Saturday, September 13, 2008
pa-alam. paalam.
kailangan kitang lisanin
makababalik pa ba sa iyong piling
hindi ko iyan ngayon kayang sagutin
sapat na at sukdulan
na ako ay paulit ulit na masaktan
walang ng mababasag
sa damdaming basag
hindi mo na mababarag pa
ang durog na aking diwa
tapos na tinatapos ko na
ang kabaliwan ko sa kaniya
o kabaliwan sa ano pa man
tapos na ang lahat ng aking kalokohan
at masaya ako kahit na nasasaktan
sa desisyong kay tagal na nilamayan
pa-alam, paalam.
binibini, ikaw na ba ay may kasi?
nagkikislapan ay natatanaw ko ang mga tala
sa malamlam na dungawan ng iyong kaluluwa
sumisikat ang araw sa sulok ng iyong mga labi
na manaka-nakang nagsasabog ng mahiyaing ngiti
huwag sanang iyong mapulaan ang aking paglantad
pasensya sa aking pangangahas na puso ko'y ibilad
paminsan minsay natitigilan ako, dahil batid ko
hihigit sa lima ang tiyak na luluha at masisiphayo
may mga pangakong mababali sa isang tao
may mga salitang mangunguya at kakainin ko
may mga ugnayang kakailanganin kong itigil
dahil ang pagtingin ko sa iyo ay di papipigil
malilito ang maraming tao
ako man at ikaw ay nalilito
pero nang gabing iyon ng pagkandili
ikaw, oo ikaw, ang aking pinili
maari bang maturuan ang puso
na ito ay huwag maging palalo
siya na lang na mahal ako ang mamahalin ko
kaysa ikaw na hindi ako sa iyo nakakasiguro
ayoko. ayoko!
huwag sanang pagibig ito!
dahil kung magkagayon kaawaawa ang puso ko
inilalagay ko na naman ito sa tiyak na siphayo!
sa aking panaginip...
nagkikislapan ay natatanaw ko ang mga tala
sa malamlam na durungawan ng iyong kaluluwa
sumisikat ang araw sa sulok ng iyong mga labi
na manaka-nakang nagsasabog ng mahiyaing ngiti
huwag sanang iyong mapulaan ang aking paglantad
pasensya sa aking pangangahas na puso ko'y ibilad
paminsan minsay natitigilan ako, dahil batid ko
hihigit sa lima ang tiyak na luluha at masisiphayo
may mga pangakong mababali sa isang tao
may mga salitang mangunguya at kakainin ko
may mga ugnayang kakailanganin kong itigil
dahil ang pagtingin ko sa iyo ay di na papipigil
malilito ang maraming tao
ako man at ikaw ay nalilito
pero nang gabing iyon ng pagkandili
ikaw, oo ikaw, ang aking pinili
maari bang maturuan ang puso
na ito ay huwag maging palalo
siya na lang na mahal ako ang mamahalin ko
kaysa ikaw na hindi ako sa iyo nakakasiguro
ayoko. ayoko!
huwag sanang pagibig ito!
dahil kung magkagayon kaawaawa ang puso ko
inilalagay ko na naman ito sa tiyak na siphayo!
kape...

walang lumabis na sangkap
sumasapat lamang at tumatama
ang kaunting sobra'y alam mong masaklap
tatabang, papait, tatamis, masisira ang lasa
kaya kung masosobrahan ay tiyak aayawan
subalit nakuha mo ang aking timpla
kaya dila ko'y nalulugod, nagsisayawan
ang kay init na presensiya mo
siyang nakagigising ng katinuan ko
subalit di ito yaong mga pagliyab
na nakakapaso ang mga pagalab
minsan kung ika'y matitikman
tingin ko'y tiyak kapwa natin maasahan
na ikaw ay aking babalik-balikan
sa bawat araw ng aking kasalukuyan
at sa hapon na ako ay aandap-andap
at sa antok ay nais na humilig at lumingap
sasaluhin mo ako, gigisingin at bubuhayin
sabay sulyap sa realidad na tanging atin
ikaw na nga ba, ikaw na ba iyan?
huwag namang sagot sa akin ay iyong pilitin
ikaw na nga ba, ikaw na ba iyan?
huwag magtangis, di ko nais maging iyong tiisin
pero... nakuha mo ang timpla ko
at walang kaduda-duda ito
pero bakit, bakit, BAKIT...
ninanais ko (siya pa rin), ay anong pait!
pusong biskwet
pakiusap
ako'y damputin naman
kahit wala pang palaman
kahit simple ang aking timpla
at piraso ko ay butas butas pa
pakiusap
ako'y iyong tikman
subalit pakaingatan
kay bilis kong madurog
huwag sanang iba ang mabusog
pakiusap
huwag mo akong pabayaan
na basta na lamang lantakan
ng mga ibon at langgam
habang ika'y nagaagam-agam
kaya... pakiusap
angkinin mo na ako
papawiin ko ang gutom mo
hindi naman ako mahirap malusaw
ako'y iyong magiging tanglaw
Sunday, April 27, 2008
shyla...
pitong taon na kaibigan
nanatili kang naririyan
ako'y laging pinatatahan
tuwing luha'y papatak naman
gaano man ako kalayo
di man magparamdam sa iyo
parang bituka'y magkadugtong
batid mo saan nagkakanlong
tiyak mo ang tunay na ako
kahit ako'y magbalatkayo
ikaw lang itong natatangi
sa sugat ko ay nakasaksi
niyakap mo ang lahat-lahat
pinunan mo bagaman salat
kapwa sa hirap at ginhawa
kasama kahit 'di asawa
magkasing-init: ating puso
sa Misyong minsan ay siphayo
kapwa tayo baliw magmahal
sa Diyos at sa Bayang sakdal
parehas tayo na sugatan
mga giyerang kinasangkutan
harapan nating kinalaban
matapang na naninindigan
marami na tayong sinakop
nakarating ako ng Pransya
nakapaglakad ka sa mga beach
sa sikat na Copacabana
ilan na ang mga kasintahan
iba na ang pamahalaan
maraming bagong kaibigan
pero tayo'y pangmatagalan
kaibigan ko at kalakbay
salamat sa iyong paggabay
salamat sa presensiya mo
salamat sa pagbubukas mo
pangako shy narito ako
patuloy na kakampi sa'yo
ang mga laban nitong buhay mo
siya ring ipaglalaban ko
bagong taon ang nadadagdag
tuloy lang huwag mabagabag
maligayang kaarawan sis
mamaya blow the candle and wish!
para sa hapon, kahapon...
mahal kitang totoo
nuon
ibinigay ang oras ko
at panahon
naging kaibigan ako
at naging babaeng ilaw mo
nakinig
ako
sa iyong mga daing
sa mga pangyayaring
itinuring mong mga pangaapi
ng tadhanang parang may sapi
pinahiran ko ang mga luha mo
sinamahan ka sa pagkalumbay mo
hinawakan ko ang kamay mo
kay higpit
pinisil pisil ko
nais kong ibalik sa iyo ang kaluluwa mo
at sinundo kita sa pagkaligaw mo
ninais kong bumalik ang sigla mo
at ginawa ko ang lahat mangyari lang ito
kahit
ang
ibigay
ang
KALAYAAN mo...
upang ako naman ang malito
maligaw, at panawan ng tino
iniwan mo ako
at sinikap kong
ngitian
ang
pagTALIKOD mo
dahil
ang
tanging
nais
KO
ay
ang
KALIGAYAHAN
MO
na ganap
at totoo
saksi ang ilog ng Marikina
saksi ang mga lamok na namiyesta
saksi ang mga puno at damo
saksi silang hindi natin alam kung sino
MAHAL kita
nuon
tuna sisig
upang isipin makailang libong beses
kung iaapak ko ba palapit ang mga yapak na ito
ilang beses akong nagpahinga sandali
upang limiin ang hinaharap na tadhana
kung sisilipin ko ba ang tao sa likod ng maskara
ilang beses akong nagmatyag muna
upang pakinggan ang tibok ng puso ko
alamin kung handa ba ako sa bulong nito
ilang beses kong pinagaralan
upang may maisagot at hindi mabokya
sa patimpalak na ikaw ang gantimpala
nais ba kita
nais ko bang muling tumaya
nais ko ba ang nakaadya
at hindi ko na napigil ang sarili ko
na humakbang palapit sa iyo
sinusundan ang tuna sisig na bitbit mo
at hindi ko na naiwasang
ilahad ang palad sa iyong kamay na gumagagap
parang nililok na maging magkasapat
at hindi ko na natanggihan
ang paglagok ng aking mga alalahanin
sa malamig at nagpapawis na gintong likido
sa isang iglap
mata nati'y nagtagpo
kaluluwa'y nagtalik
habang sa labas
nangangalit si egay
habang tayo napadighay
sa nilantakang tuna sisig
naubos
nawala
parang ang saglit na pinagsaluhang
bukas sa puting palanggana
isang mabahong anino ng nakaraang
hindi ko pagsisisihan
ni hindi ko kalilimutan
dahil
MAHAL
kita...
salamin
tinatanaw-tanaw lamang kita dati
may maliit na boses na nagsasabing nakikilala kita
boses na pinatahimik ng plaster ng komplikasyon
sa labi ng lipunang ating kinagagalawan
subalit hindi na napigil pa ang tadhana
na ika'y aking malapitang mamasdan
walang kaabog-abog
walang babalang bumulaga
upang ako ay ihanda
na ang tinatanaw tanaw ko'y
hindi talagang iba sa akin
namulagat na lamang
sa harap ng ating salamin
lulong.
naglalakad ako nagaabang ng masasakyan
ilang minuto ka nang nakasakay
pinili kong ako ang maiwan kaysa ikaw ang iwanan
kampante akong kabisado ko ang aking daraanan
o mas makakapanatag lang sa kaluoban ko
ang makita kang lumilisan patungo
sa iyong tiyak na patutunguhan
o pahabain pa kahit karampot ang sandaling
hiniram, pinakiusap, ninakaw ko lamang
nakasakay rin ako
pero sa isang sasakyang hindi naman umuusad
masungit ang panahon
at ang oras ay hindi umaayon
nagmamadali ang maraming
makarating sa kanilang destinasyon
at ako--
nageemote sa nakahimpil na jeepney
umaasang maunawaan ang kadaraang mga oras
na hawak ko ang iyong kamay
at pisil pisil mo ang aking palad
na sa iisang payong tayong nakasukob
habang kinakagat ko ang kaliwa mong balikat
hindi alintanang mabasa ng ulan
naglalakad sa ulap
lulong
sa
ipinagbabawal
na
Pag-ibig
roller coaster ride
nungkang iyugyog mo man iyan di yan patitinag kahit kailan
ito na siguro ang lowest low ko simula nung 2005
hindi na mahalaga bakit ako tulog at hindi alive
sa isang roller coaster ride na walang katapusan?
ang thrill ng dahan-dahan at mabagal na pagakyat
nagaantabay sa pagtuntong sa tuktok kahit na ito'y kagyat
ang kabog ng dibdib
pagtigil ng tibok ng puso
pigil hiningang pagkatulala
at di malirip na saya

kahit na parang isang bulag na nangangapa sa braille
napapikit ka, napakapit sa rail
di namamalayang kulay mo'y nagiging pale
walang kaalam-alam na mundo mo na pala
ay binaligtad, at inuyog, ang siyang napapala
tapos isang makapigil hiningang pagbulusok
habang kamay mo ay aking hawak
pero mukhang hindi nga ata ako nadala
o sadyang napahinto dahil nagulat at natulala
dahil hindi ko namalayang hindi pala ako nakababa
at naulit ang mapait na biyaya
ngayon sa wakas.
nalabanan ko rin ang matulala.
nakababa na ako sa walang pahinga at dalawang taon na roller coaster ride...
kaya pasensya kung sa pagod ninais ko ang matulog muna...
PERO huwag magalala... magigising din ako.
nahimasmasan na.
at mapapangiti na lang sa ala-ala ng dalawang taong lumipas...
huwag ikabahala na NAKATULOG ako... ang higit na MAHALAGA...
MALAYA na ako sa UNANG TANIKALA...
madali na lang kalasin ang ikalawa...
MAGIGISING DIN AKO... pagpahingahin nyo lang ako...
kaLUSUGan. kaLASOGan.
masakit at kumikirot kirot
magtago man ako saang pasikot
saan man humarap
saan man lumanghap
damang dama ko ang hangin
hinahabol habol sa dulo ng bangin
ang hapdi kirot at dugong nanigas naninikit
pero tatayo pa rin ako lalaban ng dikit
kumakapit sa buhay
nagnanais na mamatay
huwag ka ng magpanggap
kailan mo ito matatanggap
na ang inalagaang kaLUSOGan
siya ring pinabaayaang kaLASOGan
ngayon
ang tanging totoo
at ganap
ay ang ngayon
ang kahapon
ay nakaraan
koleksyon ng alaala
ang bukas
ay pangarap
likhang isip
ngayon
hawak-kamay
malasang laway
pulot pukyutan
kahapon
gintong likido
maalat na luha
basag na salamin
bukas
bagong tao
mainit na sabaw
pag-ibig na walang wakas
pero ang ngayon
bukas ay magiging kahapon
at ang inasam na bukas
maaring ngayon ay tumakas
dahil
ang tanging totoo
at ganap
ay ang ngayon
ang kahapon
ay nakaraan
koleksyon ng alaala
ang bukas
ay pangarap
likhang isip
laya. layas.
gusto ko munang lumaya
gusto ko munang magisip
gusto ko munang magdasal
gusto ko munang magnilay
hindi rito
wag rito
hindi pwede dito
walang silbi kung rito
lalabas ako
maglalakad lakad
dala lamang ang sarili
lalayas ako
gusto ko munang mapagisa
ang pigilang kausapin ka
putulin muna natin ang lahat
at lalabas muna ako rito
lalayo sa kanila
lalayo sa iyo
lalayo sa Kanya
lalayo sa inyo
sa paglayas sana aking matakasan
sana aking matakbuhan
sana aking makalimutan
na kalayaan ko naman
ang tumalikod
upang maharap
ang lumayas
upang makauwi
laya. layas.
akin ang desisyon
hindi Kanya, hindi iyo
kundi akin
kung iibigin kita.
mahal natin Siya!
sinikap kong itago ang emosyon
sinikap kong pigilan ang namumuong tensyon
sinikap kong ikubli ang mga damdamin
sinikap kong ibulsa ang lahat at kamkamin
ayokong makita mo ang pagtulo ng mga luha ko
ayokong malasahan mo ang alat ng mga ito
ayokong mabasa nito kahit ang pisngi mo
ayokong ipakita ang pagluluksa ko
gusto kong tumindig at maglakad palayo
gusto kong lumisan bago pa man masiphayo
gusto kong iwasan ang iyong mga tanong
gusto kong magkubli sa loob ng mga saknong
subalit di kawasay sa iyong mga bisig ako'y nakulong
walang nagawa sa marahan mong mga bulong
mahal kita... mahal kita... oo MAHAL KITA
pero higit sa lahat na mas MAHAL ko Siya!
saka nadarang akong muli sa iyong mga titig
bagaman busog ako sa pinagsaluhang sisig
upang muling magbalatkayo
sa nakaambang na siphayo
mahal mo ako... MAHAL mo ako...
subalit higit sa lahat na MAHAL mo Siya!
saka matamis na naglapat itong mga labi
upang ika'y maging akin kahit lamang sa sandali!
mahal mo ako... mahal kita...
subalit higit sa lahat na mahal natin Siya!
full moon
sa gitna ng mahabang paglalakbay
na hinahanap hanap ko'y ikaw
sa mga pangungulila ko at paghahanap
na pusong nalilito ang siyang lumilitaw
nabanaagan ko ang taglay mong ilaw
na sa aking daanan ay siyang tumanglaw
iisang bolang bilog
na sa gitna ng malayong kalawakan
natatanaw mo
natatanaw ko
ang iisang liwanag ng buwan
at bagaman
malayo man ang aking takbuhin
malayo man ang aking marating
nananatili ka sa kalawakan kong
nakatunghay sa akin
may mga panahong sa mga puno
ikaw ay nagkukubli
o sa mga gusali'y pansamantalang
nagtatago kang kunyari
subalit sa king pagsulyap
makikita kong muling nariyan ka lamang
mapapagod ako
mahahapo
pipikit at makakatulog
pero batid kong nakatunghay ka lamang
upang halikan ng liwanag ang pisngi ko
at hayaang bantayan ang mga panaginip ko
mahal ko
palangga
may ibubulong ako sa buwan
na sana makarating sa iyong turan
kailan kaya darating ang panahong
magkahawak kamay nating natatanaw
ang liwanag ng bilog na buwan...
hintay. hintayan. hintayin.
hinihintay ko bang sambitin mo
ang matamis mong pagmamahal?
inaasam ko bang marinig
ang mga katagang magpapatotoo?
hanggang kailan ka ba maniniwalang
hindi simpleng hamon ang hinaharap ko
na hindi kita sinusubukan
at hindi na ako naglalaro
hanggang kailan mo ba ako aakusahang
ang pagmamahal ko ay imbento lamang
para may mapatunayan, kanino?
sa sarili ko at sa iba? para ano?
hindi ako nagaabang sa mga sasabihin mo
hindi ko kailangan ang mga palabok na ito
kailangan ko ay ang mga mensahe ng kilos mo
mga matang nangungusap ang hinahanap ko
aanhin ko ang mga salita
aanhin ko ang mga pangako
maglalaho ang lahat ng ito
tanging mananatili ay ang puso
suriin mo nga ang sarili mo
ako ba ang nagaabang sa mga ito
o ikaw ang nangangailangan ng mga patunay
upang sa huli maniwala kang ako ay tunay
sana sa panahong handa ka nang tumaya
sana sa panahong hindi ka na takot pa
sana may buhay pa rin ang puso ko
para tanggapin ang pag-ibig mo
maghihintay ako
huwag lang kung mismong
ang tibok nitong puso
ang mapigtas at sumuko...
yolen
paid attention to you
i saw you
just once
and just seconds
i never
heeded
your stares
were you
even there
at all
coz
i hadn't
notice
a soul
you
asked my number
i just smiled
no not even
with a bribe
you
followed me
down the hall
so persistent
you seem
that in the end
i finally gave in
then
one simple
goodnight
you made me
think again
was it
with a spell,
please do tell
coz
i
wake up
every morning
hoping
there's
a gudmawnin!
and just wait all day
for that
priceless "oi..."
what's with you
i just
couldn't tell
im suppose
to free myself
for a while
and im
still hurting
from breaking
yet
this smirk
pasted upon my face
just could
never hide
that you
are
a different case
as crazy as it may seem
but now
that i
think of you
i
say
i like your eyes
i like your smile
i like the way you sing
even if
its not
my kind of music
i regret
not dancing
coz i
would have
wanted to
as long as
you'll be
the one
ill be
dancing with
hmmm
would
that
mean...
i
would
accept you?
now
that you've
said
you
wanted
me
too?
i don't really know
i
just
don't want
to rush
things
especially
if
it
concerns
you
i like you
but
i
had to
thread
softly
coz
i
dont
want to
scare
myself
or scare you too...
like
the
same
mistakes
i
used
to
make
i
dont
want
anymore
hurting
not you
not me
ill wait
ill be patient
ill BE...
be still...
you belong to Me...
be still...
two words that would remind me
two echoing words to keep me
from tears drenching my cheeks
from anger corroding, it reeks
from all of my hungers
frustrations and pain
from all of my anxieties
weariness and resignation
comes this calming words...
YOU BELONG TO ME...
BE STILL...
yesterday, i cried again...
I was about to Say NO
Say NO and back out
Wincing at His invitation
Fear paralyzing my entirety
That was yesterday
And I cried again
Why ME. Why ME?
I prepared my speech
Worked real hard at revising
Worked real hard rehashing
Setting my best foot forward
I was ready to spit it out
In perfect stance awaiting
Moment to grasp just lurking
Then your voice came first
I am ready to wait I know its best
Ill just be here, not breaking the link
To give you more time to think
That was yesterday
And I cried again
Why ME. Why ME?
You need not wait on me
I was sinning despite the continued grace
Nefariously hurting you in flickering daze
Tongue-tied at your continuing love
Abashed of the vile I was cradling
There’s forgiveness and plea in your eyes
You’d love me anyway with all my vice
Suddenly it wasn’t only the voice, I’ve heard
Upon the sun’s blinding light, I have seen
Upon its warmth and cool breeze, I’ve felt
You held my hand and asked for my YES
That was yesterday
And I cried again
Why ME. Why ME?
I kept on asking
Why NOT YOU… WHY not YOU?
He kept on retorting
He held me close, so close
Hugged me tight and kissed the top of my head
That was yesterday
And I cried againwhat's botherin' me?
he had someone
i got mine
so what's botherin' me?
i am happy
he IS happy
so what's botherin' me?
he longs for her
i have mine by my side
so what's botherin' me?
he looked at me
he locked eyes with me
so what was that tear for?
he always talk about her
i am holding another's hand
so what's botherin me?
when all this time
i was the UNFAIR one
well, perhaps THAT bothers me...
or PLEASE not the other OPTION...
pagtatahi
matagal nang napunit ang seda
sayang naman daw kung itatapon na
gayong may gamit pa bilang blusa
naghanap ako ng seda
at kahit na anong tela
na babagay at maaring itagpi
upang mapakinabangan pang konti
matagal na pagtitiyaga
na ang blusang suot
nanatiling punit
at walang telang kapanit
subalit ngayon nakita na rin
ang kalapat nitong blusang punit
nakahanda na ang karayom
nakahanda na ang sinulid
bukas itatagpi sa punit
ang telang napulot
sa pag-asang pagkaTAHI
magamit pa ng maraming araw
ang blusang AKO...
paalam (2)
sabi mo dadayain ko lang ang sarili ko
nasabi ko rin yan sa sarili ko dahil inakala ko
pero hindi ba mas dinadaya ko ang sarili ko
kung ipagkakait ko rito ang paghilom ng sugat ko
paghilom ng sugat na nalikha mo
nalikha mo sa bawat araw ng paglalaro mo
alam ko may kaunting bahagi ng puso ko
ang patuloy na magmamahal sa iyo
pero panahon lang ang makakapagsabi
panahon na lang ang sa atin ay sasaksi
paalam na, paalam na po
at binabawi ko na ang puso ko
ang kaluluwa at kalayaan ko maari na bang kalagan mo
upang aking tangan-tangan sa tuluyang paglaya ko
at wag ka nang humirit upang pigilan ako
dahil bagaman ilang beses na akong palyado sa planong ito
desidido na ang loob ko, ayaw ko na talaga dito...
muli... paalam na po.
paalam.
hintay!
bakit nandiyan ka at nandito ako?
bakit hinahanap-hanap ko ang lambing mo?
bagaman alam naman nating iba ang mahal ko,
pero bakit mukhang nagiiba ang tiyempo ng puso ko?
gusto ko lang matulog. wag mo muna akong ihulog,
hintay at pagkagising ko, sasagot na ako sa iyong dulog...
obsesyon...
tumatagal ba talaga ako sa ganitong klaseng relasyon?
ang layo layo mo, nawiwindang ako sa aking obsesyon...
obsesyong ilapat ang aking palad sa mga palad mo
obsesyong idampi ang aking mga labi sa labi mo
obsesyong guluhin ng aking mga daliri ang hibla ng buhok mo
obsesyong pagkatitigang muli ang kinang ng mata mo
obsesyong ilapat ang aking tenga sa dibdib mo
upang mapakinggan ang tibok ng puso mo
tibok na nagpapakalma sa nagwawalang puso ko
obsesyong ihilig ang ulo ko at ipahinga ang puso ko
ipahinga na rin ang mga mata sa walang sawang pagluha ko
sa bawat pagmulat, saan man ituon, kaanyuan mo ang nakikita ko
at kahit sa pagpikit ko, sa karimlan, ikaw ang nasisilayan ko
ikaw din kaya ay nahihirapan ng ganito?
o ang parusa'y sa akin lang ibinato?
pag-ibig na nga ba ang tawag dito...
o obsesyon lamang dahil ang layo-layo mo?
sige na... alis na ako!
hindi ba at nagpaalam na ako.
ano pa bang itinatayo-tayo ko rito.
bakit hindi ko magawang humakbang palayo.
nasaan na ba ang kasama ko.
kumpleto naman ang mga bagahe ko.
pero bakit parang may kulang pa dito.
kaya hindi pa makahakbang ang mga paa ko.
naghihintay nang naghihintay ba ako sa ano.
naghihintay ba ako sa sundo ko.
o naghihintay na pigilan mo ako.
ikaw ba iyang nasa kanto.
nakikita ko na kinakawayan mo ako.
tanda ba iyan ng pagtanggap mo sa pamamaalam ko.
o iyan ba'y pagtawag pansin para magisip ako.
tingin ko kaway iyan ng pamamaalam mo.
nakakalungkot na ganun mo lamang bitawan ako.
pero ito naman ang gusto ko.
bakit ba ako naninibago.
bakit ko ba pinagpipilitan mahalin mo ako.
gayong hindi pa nga handa ang puso mo.
pero nasaan na ba ang sundo ko.
napagod na rin kaya siya kahihintay dito.
mukha kasing nahuli ako ng ilang minuto.
nagtagal sa pamamaalam ko sa iyo.
nagiisa na lang ata ako dito.
saan na ngayon ang punta ko.
sige na alis na ako.
bagaman walang destinasyon ang mga paa ko.
bagaman walang magbubuhat ng mabibigat na bagaheng ito.
bagaman walang hahawak ng kamay ko.
sige na alis na ako.
at itigil mo na ang kakakaway mo.
napapagod ka na, aalis na ako.
oo, aalis na ako.
paalam na sa iyo, mahalco.
shoutout...
from blue to purple
kinondena mo ang kahong kinapapalooban mo
sabi ko sayo itago natin yan para di na nila maisilid pang muli sa ulo mo
nagpaalam ka kung pwede bang sunugin na lamang
para problema mo tuluyang matapos na
maglaho kasabay ng paglamon ng apoy sa kahon mo
maglaho kasabay ng pagakyat ng aso sa alapaap
maglalaho nga ba o nagiiba lamang ng anyo?
sabi ko tara tutulungan kitang sunugin ang kahon na ito
subalit napatigil ako sapagkat gusto ko rin sanang humingi ng pabor sa iyo
pwede bang isabay ko na rin ang kahong itinatago ko
paano nga kung makita pa nila ito?
oo maaring nag-iba lang ng anyo ang kahon,
pero tama ka hanggat naririto ito sa natural na anyo
mananatili ang natural nitong gamit
ang sikilin ang tunay na pagkatao natin
ang diktahan ang kaya at di natin kayang gawin
hindi man lang tayo binibigyan ng pagkakataon
ang pagkatiwalaang lumago sa kabuoan nating potensyal
na maaring mas malaki pa sa kahong pinasadya nila sa atin!
-------
usapan naming totoo yan! c purple po ay totoong pangalan ng isang totoong tao at naisip ko lang naisa-talata ang aming usapan... mas magaling siyang makipagsayaw sa mga salita kaysa sa akin, sa tingin ko lang un (pro mukhang totoo produkto ng lasalle? kahon na naman yan... tsk...) kasi napapalaban ako sa palitan namin ng mga berso sa text messages hehe (adik noh)... ito ang sagot ko po sa kanya! twag nya pala sa akin ay blue pia harhar (pero para sa akin din nagsimula sa pagkaaliw ko sa pangalan niya)
elwynn
wala akong narinig na tugtog o awit
nanahimik ang puso kong puno ng dalit
na para bang ito'y bibig na nabusalan - tahimik...
o di kaya'y napiping sadya kaya walang imik
walang kaba na siyang dumagundong
walang emosyong malayang bumalong
na para bang walang nagaganap
wala ka sa tabi ko, hindi ko hawak ang kamay mo
hinanap ko sa puso ko, patuloy na ginagagap
kung posible ikaw ay mahalin ko, siyang iyong pangarap
subalit ang sagot ay isang katahimikang nakakabato
walang imik, walang sagot, hindi nito ako kinibo...
dama ko sa init ng iyong mga palad na aking hawak
ang isang pagmamahal na hindi naduduwag sa tabak
nababasa ko sa iyong mga matang nagsusumamo
ang nilalaman ng puso't isipan mong palalo
mahal mo ako hindi mo maitatago
mahal mo ako hindi ko maipagtatanto
sa kabila ng madilim at mapait kong nakaraan
tatanggapin mo ako sa kahit anong paraan
laan kang ibigay ang buong buhay mo
angkinin lamang ang puso ko
pusong hindi na akin para ibigay pang muli
pusong hindi ko mahanap kung saan nagkukubli
paano ko sasabihin sa iyong
walang maisagot ang puso ko?
paano ko ipapaliwanag
na hindi na ito akin at hindi ko ito mahanap?
paano ko sasabihin sa iyong
nasa iyo ang lahat ng gusto ko?
pero paano ko bibigyan ng dahilan,
na hindi pa rin pwedeng magmahalan?
paano ko tatangapin ang alay mong puso,
gayong malulungkot din ito sa pagiisa?
dahil ang pusong dapat nitong makasama,
ay hindi ko na mahanap at tinangay na ng iba?
nasasaktan akong makitang masaktan ka
pero paano ko papawiin ang sakit mo,
gayong ako ang may dulot nito...
kailangan na ba talagang lumayo ako?
why?
why do i have to let you know
let you know, that i really care
why do i have to let you go
let you go, and hurt you really deep
why do i have to let you feel
let you feel, the love so passionately real
why do i have to let you fall
let you fall, and never catched you tenderly
why do i have to reel you on
reel you on, when in the end ill kill it off
kill it off, and just let you go
let you go, after you have loved me so
loved me so, it pains us both
pains us both and nothing else matters anymore
and now why have we returned upon this state?
we are back to being strangers
strangers hurting and hiding...
why do i... why do i...
its all my fault i know
because there are no answers to all my why's...
am i?
im not a leader. i dont wanna be.
but you insist on picking on me.
for reasons that has never been clear
for stakes that are so high and dear.
i tried to run away from that voice
seen it coming but denies no noise
yet it keeps on taunting never giving up
and now im hooked and cornered hands up
got no place left to go to hide
faced the fact and watched my old self as it died
have tried to deny hearing no noise
have tried to run away as fast away from your voice
did everything so you may change your mind
on picking up on me where your heart may bind
tried to make you realized how unworthy i am
how this heart was sinning while in a bedlam
and yet in a wave of your hand
every taint in this soul was gone
now as i am against the wall
got no choice but to accept my ball
i know it is whats been coming all along
and yet cant make myself believe that i am wrong.
because no matter what i do to disregard this fact...
it would still remain, a hard biting reality that rocks...
im not a leader. and i dont wanna be.
but everything points otherwise
its coming on full circle
and i got no choice if not to accept,
but at least recognize...
that somehow i am a leader.
though i dont wanna be.
i am a leader.
and a chosen one against my will at that.
i am a leader.
i am.
paghabol
nahihirapan na ako...
batid ko na kakaunting panahon na lang
pero susulitin ko ang sandaling panahon na ito
susulitin ko...
susulitin ng lubos-lubos...
upang sa kakaunting panahong ito
na bahagi ng bawat tick-tock ng orasan,
ang paglipas ng bawat segundo at minuto...
ang pagpilas ng dahon ng kalendaryo...
ay hindi masayang
hindi mawalan ng saysay
hindi mawalan ng silbi bagkus magpapuno...
dahil lahat gagawin ko... lahat-lahat!
lubos ko lang na maipaalam,
maipaalam at maiparamdam...
hahahawakan ko ang pagkakataon...
ipapabatid ko at ipararamdam
sa lahat ng posibleng paraan
sa bawat natitirang sandali...
sa bawat nalalabing pagkakataon...
na MAHAL KITA...
MAHAL na MAHAL!
morphosis
lalayo ako pero naririto lang,
mawawala pero mananatili,
umiiyak pero patuloy na umaasa
at ano man ang gagawin...
hindi ko ititigil ang pagmamahal...
pagmamahal sa isang anghel na kagaya mo,
sa kabila ng kawalang pahintulot,
at marubdob na pagbabawal
ng tadhana at pagkakataon...
sa kabila ng paghahadlang ng langit,
at ng lupang kinasasadlakan ko...
sa kabila ng panlalaban ko,
sa mga mapangsikil na puwersa ng kalikasan...
lahat kakayanin maging anuman ang kapalit,
dahil iisang awit lang ang alam ng puso ko,
tanging awit na maghehele sa akin,
upang sa mahimbing na pagtulog,
upang sa matagal na pagkahimlay,
magigising akong may pakpak ng muli,
parang morphosis ng isang paru-paro,
ako’y TAO ngunit naging anghel ng dahil sa ‘yo!
Friday, March 21, 2008
my futile plea (la mia richiesta inutile)
my futile plea
come back to my arms...
kiss my tears away...
paste back that ripped piece of my heart you are holding...
bring me back my soul that has deserted me to follow you on...
hold my hand... clasped it hard...
then... hug me tight... hug me tight, but tenderly...
i shall forget that you have allowed my heart to crumble...
i shall forget that you were the instrument that bleed me...
i shall forget that you made my tears drop like a rain...
i shall forget that you have forsaken me...
i shall forget your gutless fight for the love we shared...
i shall forget everything... every pain and hardships
just come back to me...
come back to me.......
this i beg.......
la mia richiesta inutile
ritornato alla mia armi...
baci le mie rotture via...
incolli indietro che la parte strappata mio cuore voi è tenuta...
riportimi la mia anima su che abbandono me per seguirlo...
tenga la mia mano... stretta esso duro...
allora... abbraccilo fortemente... abbraccilo fortemente, ma tenero...
mi dimenticherò che avete permesso che il mio cuore si sbriciolasse...
mi dimenticherò che eravate lo strumento che lo sanguina...
mi dimenticherò che avete fatto le mie rotture cadere come una pioggia...
mi dimenticherò che sono abbandono...
mi dimenticherò la vostra lotta debole per l'amore che ci siamo ripartiti...
mi dimenticherò tutto... ogni dolore e difficoltà...
ritornato appena a me...
ritornato a me.......
ciò che elemosino.......
waiting...
wating for his text message...
checking the internet...
hoping for an email...
a friendster message...
or whatever form...
damn im here wating...
and the tears just kept on coming...
'tis hard... 'tis painful...
and he seems he doesn't care...
and though this is futile and all in vain it may seem...
id still be here damn it... doing the painful waiting...
until for how long?
until for how long?
that i may never know...
but it surely it has to end...
it has to...
i hope not with my life ending too...
am i hurting?
pulling me down the abyss...
i feel the clouds pouring rain...
drenching me with relish...
i can taste saltiness...
was that the raindrops or was that my teardrops
running down my cheeks from my eyes to my lips...
am i hurting?
yes, i think i am...
untitled
All that seems routine becomes exciting
It’s when a dying heart starts fluttering
Humming notes of love in beating
Images of you
keeps on taunting me
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away
It’s when people see me smiling
All the good things keep on coming
It’s when a new day arises
With the sun in the horizon rising
The scent of your soul
never stops lingering
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away
A new hope, a new beginning
Roses and lilies everywhere blossoming
Everywhere I go, it is you I keep on seeing
Now tis for sure I know love is what I’m feeling…
Now tis for sure
I know love is what I’m feeling…
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away
nagmahal ba ako talaga?
nagmahal ba ako talaga?
bakit ang bilis kong makalimot...
bakit saglit lamang kung may dalamhati...
bakit bagamat may luhang pumapatak...
may mga imbing ngiting masisilayan...
bakit bagamat madilim ang daan at natatakot...
humahakbang pa rin palapit sa ilaw na nakakalusot...
bakit mawala man ang musika...
nakasasayaw pa rin sa awit at tipa...
bakit sugatan man ang puso at duguan...
handa pa rin itong muling masugatang muli...
hindi na ba ako madadala?
o sadyang, hindi pa ako tunay na nagmahal?
ano ang mga dumating?
mga pagsubok ba lamang?
isang dalisay na paghahanda...
isang mapunyaging paghuhubog...
para kanino?
papalapit na ba sya?
tapos na ba ang mga pagsusulit ko?
o ikaw ba ay isa sa mga kailangan kong maipasa?
ikaw na ba? o pagsubok ka rin lang...
kailan ka dadating...
at paano kung sa pagdating mo...
hindi pa ako dalisay?
hindi pa sapat ang paghuhubog?
aalis ka rin gaya nila?
at dun ko malalamang...
ah! nagmahal na akong talaga...
pag dumating ka at nawala...
at pati ako kasabay mong nawala...
ah! nagmahal na nga ako...
subalit sasambitin sa kawalan na lamang...
IKAW ang mahal ko
at saan man mapukol ang mga matang ito kaanyuan mo ang nasisilayan ko
mabilis na dumadaan ang mga segundo, minuto at oras ko
di namamalayang lumilipas ang mga pahina at dahon ng kalendaryo
bagaman marami ang samut saring kalat sa gubat ng utak ko
naririyan sa kasukalang gitna palagi, ang oasis ng mga alaala mo
hindi malirip ng kaibuturan ng kaalaman ko
kung kailan nagsimula ang pagkagumon kong ito
sadyang malala na ang pagkalulong ko sa iyo
ni hindi ko na mawari kung ikaw ba ay ako
dahil sa panaginip na inakala kong minsa'y totoo
hinawakan mo sa kamay mo ang munting puso ko
habang binubulong ng malamyos dito
"mahal kita, mahal na mahal, ako ay para sa iyo"
subalit nagising ako bigla at wala ka naman sa tabi ko
nagising akong nalalasahan ang maalat na likido sa labi ko
nagising na basang-basa ang unang pinaghihimlayan ko
basang basa sa pagbaha na naman ng luha ng kaluluwa ko
dahil natitiyak akong ikaw na ang kasagutan ng mga panalangin ko
kailangan kita, kailangang totoo dahil ikaw ang mahal ko!
tagay
tawiran
sa kanto ng JULIES BAKESHOP
tapat ng PETRON
humimpil ang sinakyan ko
nakababa na ako
saka naisip ko
sa relasyon ko ngayon
para rin akong nasa isang tawiran
maraming tao na paruot parito
may ibang nagaabang ng masasakyan
may ibang may inaabangang nilalang
may ibang nagaabang ng pagkakataong makatawid
may ibang nagaabang ng makakasabay sa pagtawid
may ibang lito kung tatawid ba o hindi
may ibang sumama lang sa nagaabang
marami ring establisyemento sa mga ganitong daanan
nangangalakal pantawid gutom, pandugtong buhay
minsan ako yung nagaabang
minsan may nagpasama lang sa akin sa pag-aabang
minsan takot akong tumawid
nagaabang ng pagkakataon
ayokong masagasaan
minsan tiyak sa mga hakbang
minsan hindi at nahihibang
minsan natawid ko na ito na lasing ako
minsan naman nilalagnat, nahihilo
minsan malungkot na papauwi
o di kaya'y pagod sa maghapong gawi
ngayon naririto ako
habang basa ang daan
at marami akong kasabay sa pagtawid
hindi ako nagmamadali pauwi
hindi ako pagod o maysakit
kinamusta ko ang aking emosyon
masaya ako
parang kumpleto
parang tiyak
dumating kasi sa tamang oras ang inaabangan ko
at kahit maraming naunang dumating
nalito paminsan minsan
nagtatanong
kung panahon na bang
itigil ang paghihintay
pero kahit minsan napapasakay na
nakakahiya man sa mga pinarang jeep
magdududa at kakaway
"manong hindi po pala"
"yung susunod po"
walang pagsisisi
hindi
ko
babawiin
hindi
ako
nagkakamali
sa iyo---magpapaligaw (as in mawawala) ako
magaabang kahit pa pumuti ang mga uwak
mageenjoy sa trapik
papayag sa lihis na daan
kahit pa salubungin silang lahat
at hindi na kailanman
bababa pa
dahil
sa TAWIRAN ng BUHAY
ikaw ang inaabangan ko
on imperfections
hindi ako ganap na banal o mabuti...
hindi nga siguro ako marahil tao hehehe...
yung buhok ko, madalas hindi sumusunod sa galaw
sa buga ng ilong ko maaring makaipon ng sabaw
napakaburara ko rin, halika silipin mo ang silid ko
hindi ka nasa junk shop, lalong hindi payatas dumpsite dito
napakalampa ko rin, hindi na bago ang basag na pinggan
o di kaya'y napakalapit sa aksidente anumang iwas tignan
figurine, gatas, tubig,
normal kong matabig
at madalas pa sa palagi puso ko'y siyang basag
para bang bahagi na nang aking kalag
may panahong nakikipagsagutan ako sa kaibigan
nagaaway kami at nagtatalo, patayan sa titigan
madalas kinaiingitan
storya'y hinahabian
madalas buong lipunan galit sa akin
kaya ako'y madalas magpumiglas din
kung sinong hindi ako mahal siyang aking liligawan
kung sinong nagmamahal sa akin siyang aking papanawan
minsang sumakto, ayaw naman ng mismong mundo
sadya lamang may araw na walang nagaganap na matino
pero kung iisipin ko ang lahat ng aking karanasan
at iisa-isahin ko itong aalalahanin at babalikan
mas mananaig pa rin ang pagkamangha ko sa kahiwagaan ng buhay,
na maaaring, oo, maaaring, ninanais ko na pala na ako'y...
hindi perpektong tao...
hindi ganap na banal o mabuti... (subalit nagpappakabuti...hehe)
hindi nga siguro marahil mabibilang bilang tao hehehe...
paalam
ang mga tanikalang bakal
kasabay ng paglaya sa pagkapinid
nililis ang piring sa aking kaluluwa
dahan dahang pumupungas
na sa laot ay makahugot ng hangin
upang tuluyang maabot
ang pampang ng kaligtasan
dinaig pa si Houdini sa diskarte at mahika
nalulunod, nauubusan man ng hininga
nakatulog, nagising, saka nataranta
kapos subalit nakahabol, umabot
sa makapigil hiningang pag-aabang ng lahat
umaasam, nagdarasal, nadududa
isang minutong nagtagal ng isang siglo
sa desisyon kong talikuran na ang 'tayo'
tanghali
sa higpit ng kapit ko
sa aking panaginip
mainit na ang sikat ng araw
heto't nakadikit pa rin
sa unan na basa ng natuyong laway
tanghali na naman akong bumangon
tanghali na naman akong bumalikwas
tanghali na naman akong tumayo
may gana pang mabugnot
gayong ako na nga itong nahuli
may gana pang sumpain ang orasan
kasalanan ko namang hindi ako nahimasmasan
nagingay na ang paligid
pero nariyan ka pa rin
nakatabing sa aking mga mata
binubulag ako sa mga tamis ng pangako
binubulag ako sa realidad
na tanghali na pala
at dapat ng imulat ang mata
alisin ang muta
maghilamos na
mahimasmasan naman
at ng kahit paano'y mabura
ang nakaukit na pangalan sa aking pananaw
ikaw at ako
nagtatago sa kumot ng tadhana
takot sa liwanag ng madla
dahil ayaw nila
kahit naman ang totoo
ay nais kita
at tanghali na rin
ng naramdaman ang init ni haring araw
upang gisingin akong tuluyan
sa kamalayang
nais kita
kahit ayaw nila
nais kita
at tanghali na
ng ito ay aking aminin
na oo nais kita!
tatsulok na piitan
ang mundo mong ginulo ko pa man din
hindi ko alam paano bibitawan
ang kamay na nakapitan ko pa man din
hindi ko alam paano kakawala
sa bisig mong kay higpit kong niyapos
hindi ko alam paano kakalimutan
ang mga labi mong kay tamis kong tinikman
hindi ko alam paano ko naaatim
na iwanan ang piling mong kay lambing
hindi ko alam bakit mas nais kong masaktan
ang umiyak at magdusa gayong nariyan ka naman
hindi ko alam bakit dilat ang aking mata
habang nakikita ko ang sarili ko na sinasaktan ka
hindi ko alam bakit mahal ko siya
gayong maliwanag namang minamahal kita
marami akong hindi alam
marami akong katangahan
isa lang ang malinaw sa lahat ng kaganapan
ang puso ko't puso mo at puso niya'y
kapwa umiibig, nagmamamahal
subalit ikinulong ng tadhana
sa tatsulok nitong piitan!
black, white and gray
no sideway burn
its either face me with your back
or come straight at my wrath
dont give me that look
dont show me that tear
its either you are brave
or a crying and limping wimp
dont give me that glassy stare
or ill break you into pieces
never dare
you had my paintbrush
for a rainbow mural
dont taint that white
and never make it black
but all you love to paint
is that brooding sad grey
as if another storm is on its way
what made you do that
i can never tell
but can always understand
the things i fail to comprehend
cause you are the gray
that had taught me how to pray
gugma o love?
how can i say i do?
ug wa man ko kasabot
of what love means
gimingaw gyud ako kanimo
how i dream to see that smile again
nagantos sa imo pagbalik
to hear that lovely voice to sing
nagtan-aw sa mga gamhanong tala
comparing the same twinkle in your eyes
kay pait kay nakasabot man kita
that ours have an indefinite future
kay kini ay parte lang sa kalsadang ato tabukon
for our own personal growth...
karon, gigugma ba kita?
answer me what love is!
hu-man saka pa kita tubagon.
gawad kalayaan
ay kalayaan ninyo
nais kong simulan
upang aking matigilan
nais kong tapusin
upang ngayon ay masimulan
patayin ang tibok ng mga puso
upang buhayin ang bugso
ang hayaang maiwanan
upang palaging makasama
ang humakbang papalayo
upang lalong mapalapit
ang magpahinga
upang makagawa
kaya heto- iginagawad ko
ang kalayaan ninyo
ginusto ko minsan ang lumaya
ang tangayin ng hanging amihan kaya-
O maglayag kasama ang mga alon
O maglakad ng walang patutunguhan
Ginusto ko minsan ang lumaya
'yun bang walang sa akin ay nababahala
'yun bang walang tali na magbabadya
Lumalayo ka na bumalik ka halika
Ginusto ko minsan ang lumaya
yaong hindi ko iniisip kung napapano ka
yaong hindi ko alintanang nasasaktan ka
at walang nagsasabing hoy lumalabis ka
Ginusto ko minsan ang lumaya
ang takasan ang tibok ng pusong di makapagtika
ang takbuhan ang obligasyong walang kumukuha
Walang magsasabing hoy nagpapabaya ka
Ginusto ko minsan ang lumaya
pero nang matikman ko ito
tumakbo-kumaripas ako pabalik
Upang itali muli ang sarili ko sa iyo
Ginusto ko minsan ang lumaya
pero hindi pala kalayaan ang gusto ko...
Ngayon malaya na tayo pareho
Pero bakit mas dama ko ang pagkakapiit ko?
angel and her lover
His angel comes on sunlit beams.
To waken him with kisses sweet,
For her love for him is oh so deep.
She wakes him with her caresses light
Upon his skin and smiles so bright.
And in her eyes, he sees the love
She feels for him neath stars above.
He comes to her to gently place,
Kisses upon her neck and face.
To caress her body and touch her soul.
For together two become a whole.
The love they make is deep and true
And in this embrace their love renew.
When all is done and all's been said,
Upon her breasts he rests his head.
And hears her heart beat for him alone.
A greater love, he's never known.