Friday, March 21, 2008

my futile plea (la mia richiesta inutile)

(ung italian version--- kaibigan ko gumawa ewan ko gaano ka tama eh hindi ko naman naintindihan heheheheh...)

my futile plea
come back to my arms...
kiss my tears away...
paste back that ripped piece of my heart you are holding...
bring me back my soul that has deserted me to follow you on...
hold my hand... clasped it hard...
then... hug me tight... hug me tight, but tenderly...
i shall forget that you have allowed my heart to crumble...
i shall forget that you were the instrument that bleed me...
i shall forget that you made my tears drop like a rain...
i shall forget that you have forsaken me...
i shall forget your gutless fight for the love we shared...
i shall forget everything... every pain and hardships
just come back to me...
come back to me.......
this i beg.......

la mia richiesta inutile
ritornato alla mia armi...
baci le mie rotture via...
incolli indietro che la parte strappata mio cuore voi è tenuta...
riportimi la mia anima su che abbandono me per seguirlo...
tenga la mia mano... stretta esso duro...
allora... abbraccilo fortemente... abbraccilo fortemente, ma tenero...
mi dimenticherò che avete permesso che il mio cuore si sbriciolasse...
mi dimenticherò che eravate lo strumento che lo sanguina...
mi dimenticherò che avete fatto le mie rotture cadere come una pioggia...
mi dimenticherò che sono abbandono...
mi dimenticherò la vostra lotta debole per l'amore che ci siamo ripartiti...
mi dimenticherò tutto... ogni dolore e difficoltà...
ritornato appena a me...
ritornato a me.......
ciò che elemosino.......

waiting...

waiting for his call...
wating for his text message...
checking the internet...
hoping for an email...
a friendster message...
or whatever form...
damn im here wating...
and the tears just kept on coming...
'tis hard... 'tis painful...
and he seems he doesn't care...
and though this is futile and all in vain it may seem...
id still be here damn it... doing the painful waiting...
until for how long?
until for how long?
that i may never know...
but it surely it has to end...
it has to...
i hope not with my life ending too...

am i hurting?

i feel the earth shifting...
pulling me down the abyss...
i feel the clouds pouring rain...
drenching me with relish...
i can taste saltiness...
was that the raindrops or was that my teardrops
running down my cheeks from my eyes to my lips...

am i hurting?
yes, i think i am...

untitled

It’s when everything old becomes new
All that seems routine becomes exciting
It’s when a dying heart starts fluttering
Humming notes of love in beating
Images of you
keeps on taunting me
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away
It’s when people see me smiling
All the good things keep on coming
It’s when a new day arises
With the sun in the horizon rising
The scent of your soul
never stops lingering
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away
A new hope, a new beginning
Roses and lilies everywhere blossoming
Everywhere I go, it is you I keep on seeing
Now tis for sure I know love is what I’m feeling…
Now tis for sure
I know love is what I’m feeling…
Even if you’re not here
Even when you’ve gone
Even when you’re away

nagmahal ba ako talaga?

nyahaha... nakakapikon na.
nagmahal ba ako talaga?
bakit ang bilis kong makalimot...
bakit saglit lamang kung may dalamhati...
bakit bagamat may luhang pumapatak...
may mga imbing ngiting masisilayan...
bakit bagamat madilim ang daan at natatakot...
humahakbang pa rin palapit sa ilaw na nakakalusot...
bakit mawala man ang musika...
nakasasayaw pa rin sa awit at tipa...
bakit sugatan man ang puso at duguan...
handa pa rin itong muling masugatang muli...
hindi na ba ako madadala?
o sadyang, hindi pa ako tunay na nagmahal?
ano ang mga dumating?
mga pagsubok ba lamang?
isang dalisay na paghahanda...
isang mapunyaging paghuhubog...
para kanino?
papalapit na ba sya?
tapos na ba ang mga pagsusulit ko?
o ikaw ba ay isa sa mga kailangan kong maipasa?
ikaw na ba? o pagsubok ka rin lang...
kailan ka dadating...
at paano kung sa pagdating mo...
hindi pa ako dalisay?
hindi pa sapat ang paghuhubog?
aalis ka rin gaya nila?
at dun ko malalamang...
ah! nagmahal na akong talaga...
pag dumating ka at nawala...
at pati ako kasabay mong nawala...
ah! nagmahal na nga ako...
subalit sasambitin sa kawalan na lamang...

IKAW ang mahal ko

bakit kahit saan man ako mapalingon ika'y nasa balintataw ko
at saan man mapukol ang mga matang ito kaanyuan mo ang nasisilayan ko
mabilis na dumadaan ang mga segundo, minuto at oras ko
di namamalayang lumilipas ang mga pahina at dahon ng kalendaryo
bagaman marami ang samut saring kalat sa gubat ng utak ko
naririyan sa kasukalang gitna palagi, ang oasis ng mga alaala mo
hindi malirip ng kaibuturan ng kaalaman ko
kung kailan nagsimula ang pagkagumon kong ito
sadyang malala na ang pagkalulong ko sa iyo
ni hindi ko na mawari kung ikaw ba ay ako
dahil sa panaginip na inakala kong minsa'y totoo
hinawakan mo sa kamay mo ang munting puso ko
habang binubulong ng malamyos dito
"mahal kita, mahal na mahal, ako ay para sa iyo"
subalit nagising ako bigla at wala ka naman sa tabi ko
nagising akong nalalasahan ang maalat na likido sa labi ko
nagising na basang-basa ang unang pinaghihimlayan ko
basang basa sa pagbaha na naman ng luha ng kaluluwa ko
dahil natitiyak akong ikaw na ang kasagutan ng mga panalangin ko
kailangan kita, kailangang totoo dahil ikaw ang mahal ko!

tagay

pinilit kong iwasan ka
ang huwag kang makilala
pero parang tiyak ang tadhana
at pagtatagpo'y itinakda
pinipigil ang oras
nang huwag dumating ang bukas
namulutan ng maraming kwentong inihabi
upang magkubli na naririyan ka sa aking tabi
nagtitinginan na sila
bakit di pa rin kita alintana
natatakot at nahihiya
baka hindi ko kaya ang iyong tama
nangahas pagkawasa sinulyapan kita
nanlalamig ka ng ikaw aking hawakan
kinakabahan ako, ika'y pinagpapawisan
at sa sandaling pagtama ng ating mata
nararamdaman ko na lamang bigla
na mga labi nati'y naglapat
at malamig na pusong ninais maging tapat
pinaginit ng iyong angking kamandag
bagaman pagkatapos tayo ay basag
ikaw ang iyong katawan
ako... kaluluwa'y ganap ng papanawan!

tawiran

"maaa, para po!"
sa kanto ng JULIES BAKESHOP
tapat ng PETRON
humimpil ang sinakyan ko
nakababa na ako
saka naisip ko

sa relasyon ko ngayon
para rin akong nasa isang tawiran
maraming tao na paruot parito
may ibang nagaabang ng masasakyan
may ibang may inaabangang nilalang
may ibang nagaabang ng pagkakataong makatawid
may ibang nagaabang ng makakasabay sa pagtawid
may ibang lito kung tatawid ba o hindi
may ibang sumama lang sa nagaabang
marami ring establisyemento sa mga ganitong daanan
nangangalakal pantawid gutom, pandugtong buhay

minsan ako yung nagaabang
minsan may nagpasama lang sa akin sa pag-aabang
minsan takot akong tumawid
nagaabang ng pagkakataon
ayokong masagasaan
minsan tiyak sa mga hakbang
minsan hindi at nahihibang
minsan natawid ko na ito na lasing ako
minsan naman nilalagnat, nahihilo
minsan malungkot na papauwi
o di kaya'y pagod sa maghapong gawi

ngayon naririto ako
habang basa ang daan
at marami akong kasabay sa pagtawid
hindi ako nagmamadali pauwi
hindi ako pagod o maysakit

kinamusta ko ang aking emosyon
masaya ako
parang kumpleto
parang tiyak

dumating kasi sa tamang oras ang inaabangan ko
at kahit maraming naunang dumating
nalito paminsan minsan
nagtatanong
kung panahon na bang
itigil ang paghihintay
pero kahit minsan napapasakay na
nakakahiya man sa mga pinarang jeep
magdududa at kakaway
"manong hindi po pala"
"yung susunod po"
walang pagsisisi

hindi
ko
babawiin
hindi
ako
nagkakamali

sa iyo---magpapaligaw (as in mawawala) ako
magaabang kahit pa pumuti ang mga uwak
mageenjoy sa trapik
papayag sa lihis na daan
kahit pa salubungin silang lahat
at hindi na kailanman
bababa pa
dahil

sa TAWIRAN ng BUHAY
ikaw ang inaabangan ko

on imperfections

hindi ako perpektong tao...
hindi ako ganap na banal o mabuti...
hindi nga siguro ako marahil tao hehehe...

yung buhok ko, madalas hindi sumusunod sa galaw
sa buga ng ilong ko maaring makaipon ng sabaw
napakaburara ko rin, halika silipin mo ang silid ko
hindi ka nasa junk shop, lalong hindi payatas dumpsite dito
napakalampa ko rin, hindi na bago ang basag na pinggan
o di kaya'y napakalapit sa aksidente anumang iwas tignan
figurine, gatas, tubig,
normal kong matabig
at madalas pa sa palagi puso ko'y siyang basag
para bang bahagi na nang aking kalag
may panahong nakikipagsagutan ako sa kaibigan
nagaaway kami at nagtatalo, patayan sa titigan
madalas kinaiingitan
storya'y hinahabian
madalas buong lipunan galit sa akin
kaya ako'y madalas magpumiglas din
kung sinong hindi ako mahal siyang aking liligawan
kung sinong nagmamahal sa akin siyang aking papanawan
minsang sumakto, ayaw naman ng mismong mundo
sadya lamang may araw na walang nagaganap na matino

pero kung iisipin ko ang lahat ng aking karanasan
at iisa-isahin ko itong aalalahanin at babalikan
mas mananaig pa rin ang pagkamangha ko sa kahiwagaan ng buhay,
na maaaring, oo, maaaring, ninanais ko na pala na ako'y...

hindi perpektong tao...
hindi ganap na banal o mabuti... (subalit nagpappakabuti...hehe)
hindi nga siguro marahil mabibilang bilang tao hehehe...

paalam

nakalag na nga at tuluyang nalagot
ang mga tanikalang bakal
kasabay ng paglaya sa pagkapinid
nililis ang piring sa aking kaluluwa
dahan dahang pumupungas
na sa laot ay makahugot ng hangin
upang tuluyang maabot
ang pampang ng kaligtasan
dinaig pa si Houdini sa diskarte at mahika
nalulunod, nauubusan man ng hininga
nakatulog, nagising, saka nataranta
kapos subalit nakahabol, umabot
sa makapigil hiningang pag-aabang ng lahat
umaasam, nagdarasal, nadududa
isang minutong nagtagal ng isang siglo
sa desisyon kong talikuran na ang 'tayo'

tanghali

tanghali na akong nagising
sa higpit ng kapit ko
sa aking panaginip
mainit na ang sikat ng araw
heto't nakadikit pa rin
sa unan na basa ng natuyong laway

tanghali na naman akong bumangon
tanghali na naman akong bumalikwas
tanghali na naman akong tumayo
may gana pang mabugnot
gayong ako na nga itong nahuli
may gana pang sumpain ang orasan
kasalanan ko namang hindi ako nahimasmasan

nagingay na ang paligid
pero nariyan ka pa rin
nakatabing sa aking mga mata
binubulag ako sa mga tamis ng pangako
binubulag ako sa realidad
na tanghali na pala

at dapat ng imulat ang mata
alisin ang muta
maghilamos na
mahimasmasan naman
at ng kahit paano'y mabura
ang nakaukit na pangalan sa aking pananaw

ikaw at ako

nagtatago sa kumot ng tadhana
takot sa liwanag ng madla
dahil ayaw nila
kahit naman ang totoo
ay nais kita

at tanghali na rin
ng naramdaman ang init ni haring araw
upang gisingin akong tuluyan
sa kamalayang

nais kita

kahit ayaw nila
nais kita
at tanghali na
ng ito ay aking aminin

na oo nais kita!

tatsulok na piitan

hindi ko alam paano lilisanin
ang mundo mong ginulo ko pa man din
hindi ko alam paano bibitawan
ang kamay na nakapitan ko pa man din
hindi ko alam paano kakawala
sa bisig mong kay higpit kong niyapos
hindi ko alam paano kakalimutan
ang mga labi mong kay tamis kong tinikman
hindi ko alam paano ko naaatim
na iwanan ang piling mong kay lambing
hindi ko alam bakit mas nais kong masaktan
ang umiyak at magdusa gayong nariyan ka naman
hindi ko alam bakit dilat ang aking mata
habang nakikita ko ang sarili ko na sinasaktan ka
hindi ko alam bakit mahal ko siya
gayong maliwanag namang minamahal kita
marami akong hindi alam
marami akong katangahan
isa lang ang malinaw sa lahat ng kaganapan
ang puso ko't puso mo at puso niya'y
kapwa umiibig, nagmamamahal
subalit ikinulong ng tadhana
sa tatsulok nitong piitan!

black, white and gray

there's no halfway turn
no sideway burn
its either face me with your back
or come straight at my wrath
dont give me that look
dont show me that tear
its either you are brave
or a crying and limping wimp
dont give me that glassy stare
or ill break you into pieces
never dare
you had my paintbrush
for a rainbow mural
dont taint that white
and never make it black
but all you love to paint
is that brooding sad grey
as if another storm is on its way
what made you do that
i can never tell
but can always understand
the things i fail to comprehend
cause you are the gray
that had taught me how to pray

gugma o love?

unsa man ang gugma?
how can i say i do?
ug wa man ko kasabot
of what love means
gimingaw gyud ako kanimo
how i dream to see that smile again
nagantos sa imo pagbalik
to hear that lovely voice to sing
nagtan-aw sa mga gamhanong tala
comparing the same twinkle in your eyes
kay pait kay nakasabot man kita
that ours have an indefinite future
kay kini ay parte lang sa kalsadang ato tabukon
for our own personal growth...
karon, gigugma ba kita?
answer me what love is!
hu-man saka pa kita tubagon.

gawad kalayaan

gawad ko sa inyo
ay kalayaan ninyo
nais kong simulan
upang aking matigilan
nais kong tapusin
upang ngayon ay masimulan
patayin ang tibok ng mga puso
upang buhayin ang bugso
ang hayaang maiwanan
upang palaging makasama
ang humakbang papalayo
upang lalong mapalapit
ang magpahinga
upang makagawa
kaya heto- iginagawad ko
ang kalayaan ninyo

ginusto ko minsan ang lumaya

Ginusto ko minsan ang lumaya
ang tangayin ng hanging amihan kaya-
O maglayag kasama ang mga alon
O maglakad ng walang patutunguhan

Ginusto ko minsan ang lumaya
'yun bang walang sa akin ay nababahala
'yun bang walang tali na magbabadya
Lumalayo ka na bumalik ka halika

Ginusto ko minsan ang lumaya
yaong hindi ko iniisip kung napapano ka
yaong hindi ko alintanang nasasaktan ka
at walang nagsasabing hoy lumalabis ka

Ginusto ko minsan ang lumaya
ang takasan ang tibok ng pusong di makapagtika
ang takbuhan ang obligasyong walang kumukuha
Walang magsasabing hoy nagpapabaya ka

Ginusto ko minsan ang lumaya
pero nang matikman ko ito
tumakbo-kumaripas ako pabalik
Upang itali muli ang sarili ko sa iyo

Ginusto ko minsan ang lumaya
pero hindi pala kalayaan ang gusto ko...
Ngayon malaya na tayo pareho
Pero bakit mas dama ko ang pagkakapiit ko?

angel and her lover

The lover sleeps and amid his dreams
His angel comes on sunlit beams.
To waken him with kisses sweet,
For her love for him is oh so deep.
She wakes him with her caresses light
Upon his skin and smiles so bright.
And in her eyes, he sees the love
She feels for him neath stars above.
He comes to her to gently place,
Kisses upon her neck and face.
To caress her body and touch her soul.
For together two become a whole.
The love they make is deep and true
And in this embrace their love renew.
When all is done and all's been said,
Upon her breasts he rests his head.
And hears her heart beat for him alone.
A greater love, he's never known.