tumatagal ba talaga ako sa ganitong klaseng relasyon?
ang layo layo mo, nawiwindang ako sa aking obsesyon...
obsesyong ilapat ang aking palad sa mga palad mo
obsesyong idampi ang aking mga labi sa labi mo
obsesyong guluhin ng aking mga daliri ang hibla ng buhok mo
obsesyong pagkatitigang muli ang kinang ng mata mo
obsesyong ilapat ang aking tenga sa dibdib mo
upang mapakinggan ang tibok ng puso mo
tibok na nagpapakalma sa nagwawalang puso ko
obsesyong ihilig ang ulo ko at ipahinga ang puso ko
ipahinga na rin ang mga mata sa walang sawang pagluha ko
sa bawat pagmulat, saan man ituon, kaanyuan mo ang nakikita ko
at kahit sa pagpikit ko, sa karimlan, ikaw ang nasisilayan ko
ikaw din kaya ay nahihirapan ng ganito?
o ang parusa'y sa akin lang ibinato?
pag-ibig na nga ba ang tawag dito...
o obsesyon lamang dahil ang layo-layo mo?
No comments:
Post a Comment