Saturday, September 13, 2008

pusong biskwet

pakiusap
ako'y damputin naman
kahit wala pang palaman
kahit simple ang aking timpla
at piraso ko ay butas butas pa

pakiusap
ako'y iyong tikman
subalit pakaingatan
kay bilis kong madurog
huwag sanang iba ang mabusog

pakiusap
huwag mo akong pabayaan
na basta na lamang lantakan
ng mga ibon at langgam
habang ika'y nagaagam-agam


kaya... pakiusap
angkinin mo na ako
papawiin ko ang gutom mo
hindi naman ako mahirap malusaw
ako'y iyong magiging tanglaw

1 comment:

Manggagawa said...

ang sarap naman ng biskwet, pwede bang patikim ng biskwet