kinondena mo ang kahong kinapapalooban mo
sabi ko sayo itago natin yan para di na nila maisilid pang muli sa ulo mo
nagpaalam ka kung pwede bang sunugin na lamang
para problema mo tuluyang matapos na
maglaho kasabay ng paglamon ng apoy sa kahon mo
maglaho kasabay ng pagakyat ng aso sa alapaap
maglalaho nga ba o nagiiba lamang ng anyo?
sabi ko tara tutulungan kitang sunugin ang kahon na ito
subalit napatigil ako sapagkat gusto ko rin sanang humingi ng pabor sa iyo
pwede bang isabay ko na rin ang kahong itinatago ko
paano nga kung makita pa nila ito?
oo maaring nag-iba lang ng anyo ang kahon,
pero tama ka hanggat naririto ito sa natural na anyo
mananatili ang natural nitong gamit
ang sikilin ang tunay na pagkatao natin
ang diktahan ang kaya at di natin kayang gawin
hindi man lang tayo binibigyan ng pagkakataon
ang pagkatiwalaang lumago sa kabuoan nating potensyal
na maaring mas malaki pa sa kahong pinasadya nila sa atin!
-------
usapan naming totoo yan! c purple po ay totoong pangalan ng isang totoong tao at naisip ko lang naisa-talata ang aming usapan... mas magaling siyang makipagsayaw sa mga salita kaysa sa akin, sa tingin ko lang un (pro mukhang totoo produkto ng lasalle? kahon na naman yan... tsk...) kasi napapalaban ako sa palitan namin ng mga berso sa text messages hehe (adik noh)... ito ang sagot ko po sa kanya! twag nya pala sa akin ay blue pia harhar (pero para sa akin din nagsimula sa pagkaaliw ko sa pangalan niya)
No comments:
Post a Comment