hindi ko alam paano lilisanin
ang mundo mong ginulo ko pa man din
hindi ko alam paano bibitawan
ang kamay na nakapitan ko pa man din
hindi ko alam paano kakawala
sa bisig mong kay higpit kong niyapos
hindi ko alam paano kakalimutan
ang mga labi mong kay tamis kong tinikman
hindi ko alam paano ko naaatim
na iwanan ang piling mong kay lambing
hindi ko alam bakit mas nais kong masaktan
ang umiyak at magdusa gayong nariyan ka naman
hindi ko alam bakit dilat ang aking mata
habang nakikita ko ang sarili ko na sinasaktan ka
hindi ko alam bakit mahal ko siya
gayong maliwanag namang minamahal kita
marami akong hindi alam
marami akong katangahan
isa lang ang malinaw sa lahat ng kaganapan
ang puso ko't puso mo at puso niya'y
kapwa umiibig, nagmamamahal
subalit ikinulong ng tadhana
sa tatsulok nitong piitan!
Friday, March 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment