ang huwag kang makilala
pero parang tiyak ang tadhana
at pagtatagpo'y itinakda
pinipigil ang oras
nang huwag dumating ang bukas
namulutan ng maraming kwentong inihabi
upang magkubli na naririyan ka sa aking tabi
nagtitinginan na sila
bakit di pa rin kita alintana
natatakot at nahihiya
baka hindi ko kaya ang iyong tama
nangahas pagkawasa sinulyapan kita
nanlalamig ka ng ikaw aking hawakan
kinakabahan ako, ika'y pinagpapawisan
at sa sandaling pagtama ng ating mata
nararamdaman ko na lamang bigla
na mga labi nati'y naglapat
at malamig na pusong ninais maging tapat
pinaginit ng iyong angking kamandag
bagaman pagkatapos tayo ay basag
ikaw ang iyong katawan
ako... kaluluwa'y ganap ng papanawan!
1 comment:
halina't tumagay
ngunit tumagay ng may pagsinta
pagsinta sa ubod ng kaluluwa
kaluluwang durog ngunit nakikibaka
Post a Comment