"maaa, para po!"
sa kanto ng JULIES BAKESHOP
tapat ng PETRON
humimpil ang sinakyan ko
nakababa na ako
saka naisip ko
sa relasyon ko ngayon
para rin akong nasa isang tawiran
maraming tao na paruot parito
may ibang nagaabang ng masasakyan
may ibang may inaabangang nilalang
may ibang nagaabang ng pagkakataong makatawid
may ibang nagaabang ng makakasabay sa pagtawid
may ibang lito kung tatawid ba o hindi
may ibang sumama lang sa nagaabang
marami ring establisyemento sa mga ganitong daanan
nangangalakal pantawid gutom, pandugtong buhay
minsan ako yung nagaabang
minsan may nagpasama lang sa akin sa pag-aabang
minsan takot akong tumawid
nagaabang ng pagkakataon
ayokong masagasaan
minsan tiyak sa mga hakbang
minsan hindi at nahihibang
minsan natawid ko na ito na lasing ako
minsan naman nilalagnat, nahihilo
minsan malungkot na papauwi
o di kaya'y pagod sa maghapong gawi
ngayon naririto ako
habang basa ang daan
at marami akong kasabay sa pagtawid
hindi ako nagmamadali pauwi
hindi ako pagod o maysakit
kinamusta ko ang aking emosyon
masaya ako
parang kumpleto
parang tiyak
dumating kasi sa tamang oras ang inaabangan ko
at kahit maraming naunang dumating
nalito paminsan minsan
nagtatanong
kung panahon na bang
itigil ang paghihintay
pero kahit minsan napapasakay na
nakakahiya man sa mga pinarang jeep
magdududa at kakaway
"manong hindi po pala"
"yung susunod po"
walang pagsisisi
hindi
ko
babawiin
hindi
ako
nagkakamali
sa iyo---magpapaligaw (as in mawawala) ako
magaabang kahit pa pumuti ang mga uwak
mageenjoy sa trapik
papayag sa lihis na daan
kahit pa salubungin silang lahat
at hindi na kailanman
bababa pa
dahil
sa TAWIRAN ng BUHAY
ikaw ang inaabangan ko
Friday, March 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment