nungkang iyugyog mo man iyan di yan patitinag kahit kailan
ito na siguro ang lowest low ko simula nung 2005
hindi na mahalaga bakit ako tulog at hindi alive
sa isang roller coaster ride na walang katapusan?
ang thrill ng dahan-dahan at mabagal na pagakyat
nagaantabay sa pagtuntong sa tuktok kahit na ito'y kagyat
ang kabog ng dibdib
pagtigil ng tibok ng puso
pigil hiningang pagkatulala
at di malirip na saya

kahit na parang isang bulag na nangangapa sa braille
napapikit ka, napakapit sa rail
di namamalayang kulay mo'y nagiging pale
walang kaalam-alam na mundo mo na pala
ay binaligtad, at inuyog, ang siyang napapala
tapos isang makapigil hiningang pagbulusok
habang kamay mo ay aking hawak
pero mukhang hindi nga ata ako nadala
o sadyang napahinto dahil nagulat at natulala
dahil hindi ko namalayang hindi pala ako nakababa
at naulit ang mapait na biyaya
ngayon sa wakas.
nalabanan ko rin ang matulala.
nakababa na ako sa walang pahinga at dalawang taon na roller coaster ride...
kaya pasensya kung sa pagod ninais ko ang matulog muna...
PERO huwag magalala... magigising din ako.
nahimasmasan na.
at mapapangiti na lang sa ala-ala ng dalawang taong lumipas...
huwag ikabahala na NAKATULOG ako... ang higit na MAHALAGA...
MALAYA na ako sa UNANG TANIKALA...
madali na lang kalasin ang ikalawa...
MAGIGISING DIN AKO... pagpahingahin nyo lang ako...
No comments:
Post a Comment