tanghali na akong nagising
sa higpit ng kapit ko
sa aking panaginip
mainit na ang sikat ng araw
heto't nakadikit pa rin
sa unan na basa ng natuyong laway
tanghali na naman akong bumangon
tanghali na naman akong bumalikwas
tanghali na naman akong tumayo
may gana pang mabugnot
gayong ako na nga itong nahuli
may gana pang sumpain ang orasan
kasalanan ko namang hindi ako nahimasmasan
nagingay na ang paligid
pero nariyan ka pa rin
nakatabing sa aking mga mata
binubulag ako sa mga tamis ng pangako
binubulag ako sa realidad
na tanghali na pala
at dapat ng imulat ang mata
alisin ang muta
maghilamos na
mahimasmasan naman
at ng kahit paano'y mabura
ang nakaukit na pangalan sa aking pananaw
ikaw at ako
nagtatago sa kumot ng tadhana
takot sa liwanag ng madla
dahil ayaw nila
kahit naman ang totoo
ay nais kita
at tanghali na rin
ng naramdaman ang init ni haring araw
upang gisingin akong tuluyan
sa kamalayang
nais kita
kahit ayaw nila
nais kita
at tanghali na
ng ito ay aking aminin
na oo nais kita!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment