Friday, March 21, 2008

on imperfections

hindi ako perpektong tao...
hindi ako ganap na banal o mabuti...
hindi nga siguro ako marahil tao hehehe...

yung buhok ko, madalas hindi sumusunod sa galaw
sa buga ng ilong ko maaring makaipon ng sabaw
napakaburara ko rin, halika silipin mo ang silid ko
hindi ka nasa junk shop, lalong hindi payatas dumpsite dito
napakalampa ko rin, hindi na bago ang basag na pinggan
o di kaya'y napakalapit sa aksidente anumang iwas tignan
figurine, gatas, tubig,
normal kong matabig
at madalas pa sa palagi puso ko'y siyang basag
para bang bahagi na nang aking kalag
may panahong nakikipagsagutan ako sa kaibigan
nagaaway kami at nagtatalo, patayan sa titigan
madalas kinaiingitan
storya'y hinahabian
madalas buong lipunan galit sa akin
kaya ako'y madalas magpumiglas din
kung sinong hindi ako mahal siyang aking liligawan
kung sinong nagmamahal sa akin siyang aking papanawan
minsang sumakto, ayaw naman ng mismong mundo
sadya lamang may araw na walang nagaganap na matino

pero kung iisipin ko ang lahat ng aking karanasan
at iisa-isahin ko itong aalalahanin at babalikan
mas mananaig pa rin ang pagkamangha ko sa kahiwagaan ng buhay,
na maaaring, oo, maaaring, ninanais ko na pala na ako'y...

hindi perpektong tao...
hindi ganap na banal o mabuti... (subalit nagpappakabuti...hehe)
hindi nga siguro marahil mabibilang bilang tao hehehe...

No comments: