Ginusto ko minsan ang lumaya
ang tangayin ng hanging amihan kaya-
O maglayag kasama ang mga alon
O maglakad ng walang patutunguhan
Ginusto ko minsan ang lumaya
'yun bang walang sa akin ay nababahala
'yun bang walang tali na magbabadya
Lumalayo ka na bumalik ka halika
Ginusto ko minsan ang lumaya
yaong hindi ko iniisip kung napapano ka
yaong hindi ko alintanang nasasaktan ka
at walang nagsasabing hoy lumalabis ka
Ginusto ko minsan ang lumaya
ang takasan ang tibok ng pusong di makapagtika
ang takbuhan ang obligasyong walang kumukuha
Walang magsasabing hoy nagpapabaya ka
Ginusto ko minsan ang lumaya
pero nang matikman ko ito
tumakbo-kumaripas ako pabalik
Upang itali muli ang sarili ko sa iyo
Ginusto ko minsan ang lumaya
pero hindi pala kalayaan ang gusto ko...
Ngayon malaya na tayo pareho
Pero bakit mas dama ko ang pagkakapiit ko?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment