gusto ko lang ipagsigawan! -pyakot-
ang hirap kasi sayo sarili mo lang ang iniisip mo sariling takot mo, sariling kahinaan mo... minsan ba sumagi sa utak mo ang damdamin ko? ang mga takot ko, ang mga kahinaan ko... hindi ako si darna, wala akong kapangyarihan... kanta ba iyan? pasensya wala sa tono... ninakaw mo kasi sa akin ang awit ng puso ko! ibalik mo na, di mo ba batid ang panghihina ko? sabi mo mahal mo ako? pero baket ang layo mo? sabi mo takot ka kasing masaktan, takot mo... sabi mo kasi hindi ka bagay sa akin, takot mo... lalaki ka ba? duwag ka! puro ka takot mo! gusto ko lang ipagsigawang mahal din kita! pero punyeta ka--pinahihirapan mo na ako... lalapit ka sandali pero lumalayo ka ng lumalayo... hindi ko maintindihan kahit pilitin kitang intindihin... di ba kayang pawiin ng pagibig ko ang takot mo? mukha ba akong multo ng nakaraan mo? muli... gusto ko lang ipagsigawang sa iyo ang puso ko! pero punyeta ka! kinuha mo nga pero nawawala ka! ikaw ang kumplikasyon ng terminal na buhay ko! sinasaid at inuubos mo lamang ang pasensiya ko! ilang taon pa ba? ilang taon na ba? (sigh!) uubanin at kukubain ba ako kahihintay sa puso ko? muli, gusto ko lang ipagsigawan gago ikaw nga ang mahal ko! muli, gusto ko lang ipagsigawan hindi ako multo, ako ang mahal mo!
No comments:
Post a Comment